Lunes, Setyembre 21, 2015

Batas ng Demand at Supply

Bahagi ng pag-aaral sa mikroekonomiks ang paksa tungkol sa demand at suplay. Dito, maiintindihan natin kung paano ba gumagalaw ang ekonomiya ng ating bansa. Kadalasan tinatanong natin kung bakit tumataas at bumababa ang mga presyo ng bilihin. Kailan tumataas at kailan bumababa ang mga presyo? Anu-ano ang mga salik na nakaapekto sa pagtaas at pagbaba ng mga presyo.

Ang mga katanungan ito ay masasagot sa Batas ng Demand at Batas ng Suplay. law-of-demand

Ayon sa Batas ng Demand, kapag mababa ang presyo, mataas ang demand. Kapag mataas ang presyo, mababa ang demand (tingnan ang larawan sa itaas). isang halimbawa nito ay ang pagtaas at pagbaba ng presyo ng bigas sa merkado. Pangunahing pagkain ang bigas. Ang lalong pagtaas ng presyo ay may malaking epekto sa mga mamimili. Hindi kaya ng ordinaryong mamimili na bumili ng bigas na may presyo 50.00 bawat kilo. Hahanap siya ng bigas na mas muras tulad ng NFA rice na ang presyo nito ay 27.00 kada kilo. Makikita dito kung gaano karami ang bibili ng bigas na NFA kaysa sa mga imported rice. Makikita sa grap sa itaas ang relasyon ng presyo at ang dami ng produkto na kayang bilhin ng mga mamimili.
economics-supply-4-638

Sa kabilang dako, ang Batas ng Suplay, kapag mataas ang presyo, mataas din ang ibigay ng suplay ng mga prodyuser. Ang pagbenta ng produkto ay nakasalalay sa taas ng presyo nito. kapag mababa ang presyo, mababa din ang suplay na ibinibenta ng mga prodyuser. Isang halimbawa nito ay angh pagbenta ng kilo ng mais. kapag nasa 8.35/kilo ang presyo, maliit lamang ang ibentang suplay mula sa mga prodyuser. Kapag tumataas naman ito hanggang 12.75/kilo ng mais mas maraming ibebenta ang mga prodyuser. Makikita sa grap sa itaas ang relasyon sa pagitan ng presyo at dami ng suplay ng produkto.


1 komento:

  1. merkur 5000 merkur 5000 merkur, 200ml - Deccasino
    Merkur deccasino 5' 2-piece Merkur Safety Razor 샌즈카지노 Merkur 500 Futur Adjustable Safety 메리트카지노 Razor, German Bakelite/Matte Finish.

    TumugonBurahin